Ipinaskil ni: Nikko noong: Nobyembre 3, 2009
Simula Biyernes hanggang Lunes, straight – walang hinto lang naman akong laging umiinom ng malalamig na tubig.
Pepsi dito. Coke doon. Ice cream ngayon. Juice bukas. Ice cream ulit dito. At dahil sa kasibaan, kahit na alam ko ng makati sa lalamunan ko ang masobraan ng lamig. Kain pa rin ako ng kain. At inom pa rin ako ng inom. Kahit na madaling araw pa halos.
Nagkataon lang kasing sa bahay lang ako natambay ng mga araw na iyan, kaya maliban sa pagkain ay wala na akong ibang pinagkakaabalahan.
Kahapon, sinuong ko ang ulan na akala ko ay lalakas. ‘Yon pala parang dumaan lang. Kaya naalangan ako, matagal din akong naligo, na halos tumuyo na ang tubig ulan sa aking katawan.
Kapag pasaway nga naman. Kaya ngayon, nahihirapan na akong huminga dahil doon. Nahihirapan akong makipag – usap ng matagalan dahil doon. Na halos, mag si – sign laguage na lang ako kapag talagang sasakit na lalamunan ko.
Pasaway nga naman~!
Ipinaskil ni: Nikko noong: Oktubre 30, 2009
Ooppss. Hindi po ako ang mananawagan. At wala akong dapat na ipanawagan.
Ito lang ‘pananawagan’ na ito ang laging kinukwento sa akin ng kapitbahay ko. Na nagkataon namang tinatawanan ko talaga, kahit alam ko na!
Sobrang hilig kasing makinig ng AM radio station si Kapitbahay. Halos kilala na niya ang pangalan ng mga bida sa radio drama. Pati na rin ang mga radio reporters/dj’s ng mga ito.
May pagkakataon din na dadalhin niya ‘yong radio/cassette nila sa bahay, at doon makinig habang nakipagdaldalan sa akin.
)
Panawagan:
DJ: “Ano bang ipapanawagan mo?”
Nananawagan: “‘Gaw, itago mo muna ‘yong radio, dalhin mo sa kwarto, para hindi madinig ng mga kapitbahay natin ang panawagan ko. At saka nga pala, ‘gaw, nabinta na iyong ninakaw nating Kakaw.”
Tawa lang ng tawa ang mga tao sa loob ng studio pagkaalis nung nanawagan.
Kahit naman sino siguro matatawa. Hindi ba niya inexpect na may mga kapitbahay silang nakikinig din. Tapos kapag nanawagan ka, tatanungin din ‘yong pangalan mo at kung taga saan ka eh~
Ipinaskil ni: Nikko noong: Oktubre 27, 2009
Saturday is time for me to sleep the whole day. Day off from work. Stress free. Day to just stay at home, listening to music, chatting with friends. Reading some books. And cook food.
Kaya lang, n’ung Sabado, eh, kinidnap ako. Hapon, time, between 4pm – 5pm. Magluluto sana ako ng pagkain for dinner. Kasama ko ‘yong kapitbahay naming kasama ko lagi para sa chit-chat kapag libre kami pareho.
Ang suspek? Ang pinsan ko. Nadatnan ako sa bahay na ‘balut na balot’ ang suot. Basketball uniform ng Kuya ko, lagpas tuhod na short, at ang pang itaas na damit, pwede na akong hindi magsuot ng short. :O
‘Balut na balot’ ‘ika nga ng pinsan ko. Bigla ba naman akong puntahan sa bahay para lang isama sa kanila for dinner. Sa barbecue stand kami kumain dun sa amin. Tinanong pa namin ‘yong karenderia kung saan ‘yong barbecue stand. ‘Di kasi ako pamilyar sa lugar namin. Kaya tiyak na maliligaw talaga ako.
Nang pauwi na sana kami. Sa amin. Akala ko talagang iuuwi na ako. ‘Yon pala idadaan lang ako para kumuha ng damit. At dinala ako sa kanila. Dahil isang damit panlakad lang ang dinala ko. Nanghiram pa ako ng damit sa pinsan ko, nung dun na kami sa kanila.
Kabaligtaran sa suot ko nang araw na puntahan nila ako sa bahay ang pinasuot sa akin ng pinsan ko pagkagabi, hanggang sa bago ako pinauwi. Isang maikling short at boxer shirt ang pinasuot sa akin. Nanibago sa akin, pati ako sa sarili ko ang mga kapitbahay ng pinsan ko. Since, they already know na hindi ako sanay sa mga ganung klase ng damit.
~~~~~~~~~~~~~
I really missed blogging. Hope to see you soon, my Friends.
Ipinaskil ni: Nikko noong: Oktubre 16, 2009
Kababalik lang ng internet connection. Yep. INTERNET CONNECTION, BUMALIK NA!
Ilang araw din akong tahimik, dahil walang internet connection. Simula noong linggo ng umaga. At nagkataon pang night shift ako. Kakabagot, buti na lang at may MS Games and Utilities na pwede kong mapagkaabalahan kahit papaano.
Kung dati, hindi ko maintindihan kung paano laruin ang FREE CELL, ngayon atat na atat na akong laruin iyon.
Buti na lang din at may nag explain naman sa akin kung paano laruin ang MINESWEEPER, ngayon may ideya na ako kung paano iyon siya laruin.
Kaya kung sa susunod na mawala naman ang internet connection, or mag rerehab na naman ulit sila. May mapagkakaabalahan na ako.
Ngayon, maipagpapatuloy ko na ang pagbabasa online. Ang pag – uupdate ng mga accts ko sa ibang website. At may iba pa akong anti – tulog na magagawa, kapag night shift.
_ _ _ _ _ _ _
Ninakaw o kinuha, para sa akin the same lang po iyon. Kinuha ng hindi nagpaalam is pagnanakaw eh! Hehehe.
In short, ‘di pa rin lumabas ang mga damit na ninakaw.
Kaunti na nga lang iyong damit ko, ninakawan pa. Hahaha.
Kakaloka.
Ipinaskil ni: Nikko noong: Oktubre 6, 2009
Noong isang araw, nakatanggap ako ng mensahe mula sa kapatid ko.
At ang sabi:
L**** (resticted ang name
) nakita mo ung black tshirt ko?
Nagtaka ako, bakit ako hinanapan. Eh, kung umuuwi ako ng bahay eh, para lang matulog. Hehehe. Para lang akong nagboboarding house kasi.
Napakaikling:
Hindi!
‘yong sinagot ko sa kanya.
Nawala gud.
Yay, napaisip ako. Baka naman nakalimutan lang niyang kung saan niya nailagay. Pero sa pagkakaalam ko, kakalaba lang niya no’n kasabay ng aking dalawang uniforms.
Noong monday, red polo shirt ‘yong uniform namin. Dahil tulog ako buong araw ng linggo. Kasi rest day ko. Pagkagising ko ng Monday, inihanda ko mga gamit ko. Nagtaka ako kung bakit hindi ko nakita ang aking dalawang uniform, maliban sa isang suot ko lang nu’ng isang araw.
Laging walang tao sa bahay namin. Kaya kung may labahin man kaming nailatag sa labas, ay inilalagay namin sa parang terrace ng bahay. Bago ka papasok sa loob ng bahay, iyon na ang wewelcome sayo.
Wala kaming magagawa kundi ang abangan kung sino ang magsusuot ng dalawang uniform ko. Para malaman namin kung sino ‘yong kumuha ng mga damit namin.
____
Pasingit lang na ENTRY. Nagfefeeling busy lang.
Pahabol:
Dalhin mo siya sa akin. Dead or alive.
Nakakatakot na panaginip, ‘di ba? Pero nakakatawang panaginip iyan.
Bagong nagtapon ng basura ;)