Iimbak para saHunyo 6, 2009

Pedicab

Dito ulit ako.. Napaaga sa linggo ang pagbabalik ko..Nagkataon lang po kasi kainis sa bahay eh. May kaunting gulo. Kaya layas muna dun.

back to the story:

Pangalawang sakay ko. Pedicab sinakyan ko papunta dito sa SHOP. Dalawang ride para mas makatipid. Pangalawang pasahero ako ng pedicab na sinakyan ko. Since, na nasa harapan ung unang pasahero dun na ako sa likod umupo.

Pagdating namin sa NDC (school sa Tagum) may sumakay na dalawang babae. Sa likod din sila parehong umupo.

“Nag – aaral ka pa?” Tanong nung isang babae. Akala ko ang tinanong ung nakasama niyang sumakay, hindi ko alam na magkakakilala sila.

Mabuti na lang at napatingin ako sa kanya. Ako nga pala tinanong niya.

“Graduate na po. Vocational” sagot ko sa kanya.
“Ilang taon ka na? Eighteen?” Sagot niya sa tanong niya. :P
SIyempre sinagot ko ung tanong niya. UNg totoong edad ko naman sinagot ko sa kanya.

Napaisip ako dun. Kasi lagi nilang tinatanong edad ko. Kapag sinasagot ko naman ng 1* ung totoong edad ko. Hindi naman maniniwala. Laging sinasabing: “Ows. Mukha ka namang 15 lang ah!”
“Parang hindi naman eh! Para ka lang 17.”

Napaisip ako. Kasi sabi nang iba parang ang matured ng hitsura ko sa edad ko. Samantalang ang iba sinasabing mas bata yong hitsura ko sa edad ko.

Ano ba talaga? Ang gulo eh!

~Letting Go~

Daryll and Dona

Daryll <3 Dona. Akala nang lahat na sila na hanggang wakas. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang biglang nagpakasal ang babae sa ibang lalaki.

Kakayanin kaya ni Daryll ang mag move – on kung may isang Dona ulit ang magpapakita ng harapang pagkagusto sa kanya?