Ipinaskil ni: Nikko noong: Hunyo 12, 2009
Matagal akong umuwi kanina, kahapon pala (June 10, 2009) to be specific. May ginawa pa kasi akong mga kalokohan sa SHOP at sa SPA.
Siyempre antok na antok na ako. Between 10:30 – 11:00 na akong umuwi kanina. Kaya parang adikk ang dating ko sa multicab na sinakyan ko. Buti na lang at mabilis tumakbo yong sinakyan ko. Kasi kong mahinang magpatakbo tiyak aantukin akong lalo sa multicab na iyon.
As usual, sa lahat ng mga pasahero, ako ang unang bumaba. Na hindi ko naman inaasahan na may naghihintay pala sa akin. Though kaming lahat hindi umaasang meron palang isang pasahero na nag – aabang kung sino ang unang baba.
At dahil nagkataong ako ang unang bumaba. Sumabay siya sa akin ng baba. Nagtaka pa ako kasi, bumaba din siya. Hindi naman pamilyar sa akin ‘yong mukha though hindi naman talaga pamilyar sa akin ang mga tao sa amin.
Pababa na sana ako ng kalsada nang bigla niya akong tinawag. Siyempre lumingon naman ako.’Yon pala nagtatanong kung saan banda yong DAVAO REGIONAL HOSPITAL o mas kilala sa tawag na REGIONAL. Though feeling niya na lumampas na siya, hindi nga lang siya sigurado.
Talagang lampas na siya, ang layo na nang REGIONAL sa amin. P10.00 na ang pamasahe kung hindi discounted yong pamasahe. Kaya, habang nag – aabang siya ng masasakyan, which is mostly multicab. Sinamahan ko na siya. Kaunting kwentuhan muna kami.
Taga – Mawab pala siya.Na – ospital ang pamangkin niya. At dahil walang kasama ang kapatid niya, ang Ina ng bata which is 3 months old pa lamang. Kaya siya dumalaw. At dahil ikalawang pagkakataon pa niya ‘yon na pupunta ng REGIONAL, hindi niya kabisado ang place.
“Sabihin mo na lang po na sa CROSSING REGIONAL po kayo bababa.” pahabol kong sabi sa kanya, nang may sasakyan nang parating.
“Magkano ba pamasahe?” tanong niya sa akin.
“Bigyan mo na lang po ng P10.00.”
“Sige ah! Maraming salamat.”
“Sige po! Ingat.” Pahabol kong sabi sa kanya ng sumakay ng siya ng MULTICAB.
Ang sarap nang pakiramdam ng may natulungan kahit na mga simpleng bagay lang. Lalo na kapag nasabihan ka ng MAGIC WORD na THANK YOU!
Kaya ‘wag magdumiling tumulong sa mga nangangailangan.
Byu: Kahit na sa mga ganun bagay lang, o sa mga simpleng tulong na naibibigay mo. Malaking tulong na pala ‘yon para sa kanila o para sa mga nangangailangan.
Hunyo 14, 2009 Sa 2:32 hapon
wow.. good samaritan ka pala…
keep it up!!!
bait bait naman ni tuutuuki!!
kahit nga nagpapaabot ng bayad sa jeep, pag nagpapasalamat sa akin sa pag-abot ko ng pamasae nila piling ko ang bait bait ko na hehehehe
Kuya Jason, spammer ka ah..
sa spam comments ko kaya nakita tong comment mo na ito.. xD
buti na lang at na check ko…
salamat ulit kuya..
ganun po talaga ako, at normal na iyon sa akin..