Iimbak para saHunyo 16, 2009

~alarm clock~

Meron na ulit akong kwento..
At ang bida ngayong araw na ito?
si ALARM CLOCK

    Siya din ang dahilan ng lahat ng ito!

  1. ang aking maagang paggising.
  2. ang kantyaw na inabot ko mula sa kanila sa bahay.
  3. ang maagang pagdating sa work place ko.

Ang kwento ng lahat – lahat:

Kagabi, habang nakipagtext ako sa mga kaibigan ko. :D :D Sinabi ng kapatid ko na mag – alarm ako ng 5:00am. At dahil mabait naman ako. Sinunod si Bunso.

Antok na antok na ako kaya tinulugan si Sungkit –> ka – text ko kagabi. Paggising ko, saka ko nabasa yong text niya.

Nabigla ako ng may malakas na tumunog sa may tenga ko. Hindi ko alam na dun ko pala nalagay yong cellphone na siyang ginawang alarm clock namin.

Exactly 5:00am, tumunog. Dahil nagising ako. Siyempre bumangon na. Na dati hindi ko naman gawain, kasi parang wala akong pakialam dati kahit na tumunog yong alarm clock na iyon. Kasi kung antok na antok pa ako, matutulog ulit ako.

Ayaw nila nun, makakain na sila ng kanin na ako ang nagluto. At makainom ng kape na ako ang nagtimpla at nagpakulo ng tubig. :D :D

Talagang isang napakalaking himala para sa kanila ang aking maagang paggising at pag – alis na bahay. Dahil kahit dito sa SHOP. Hinding – hindi sila makapaniwala na maaga ako.

Ang mga sinasabi nila gaya din ng mga sinasabi ng mga tao sa bahay.

  1. Kung ano ang nakain ko at bumangon ako sa unang tunog ng alarm clock.
  2. Kung ano ulit ang nakain ko at maaga ako sa SHOP. Dahil iyon ang gusto nilang kainin ko lagi. Hindi ba nila alam na wala akong kinain. :D :D Sana naman maawa sila sa akin. Ngayon lang ito. Parang ayaw ko ng ulitin… :D :D :D

Kaya ko din nagawa ang entry na ito ng ganito ka aga…
7:01am akong dumating. 7:05am in – ON ang PC na ginamit ko. And by 7:30am nakapost na ang entry na ito.

Within 25 minutes nagawa ang enty na ito. Kasama na ang ilang updates ng mga accts ko. Like ~♥SM is ADDICTION♥~ at ang aking tweeettttt acct.