Iimbak para saHunyo 22, 2009

Pa-bertdey kay Kuya Jason ~part 1 feysbuk friends~

Si Kuya Jason na ang mauna..
Ka – blog ko, ka feysbuk ko pa.. :)

Nagkakilala kami ni Kuya Jason nang bisitahin niya ang aking ‘mahiwagang basurahan’ — ang aking latagan ng mga walang kwentang bagay.. At dahil nag – iwan siya ng simpleng komento sa isang latag ko.. Kaya nabisita ko din ang kanyang bahay..

ang masel ni Kuya Jason
ang masel ni Kuya Jason

Iyan ang kaibigang tinutukoy ko na may kaarawan.. Kahit leyt na pabertdey itong handog ko. Gagawin ko pa rin ito..

Dahil wala akong ‘hamster’ na alaga.. At kung bibili naman ako ng para ibigay sa kanya, sa akin na lang.. :)

Dahil kaarawan niya noong June 19 at na-gret ko lang siya sa feysbuk ng ‘hapi bertdey’ ngayon ko na lang siya gawan ng bonggang regalo ko.. Kahit simple, alam ko namang tatanggapin pa rin niya ito.. Tanggapin mo to, kasi kung hindi. Wala akong regalo sayo.

Naging friends kami sa feysbuk ng sinabi niya minsan, hindi nga lang ako sigurado kung sa ‘basurahan’ ko o sa bahay niya. “May feysbuk ka? Add kita. Laro tayo ng pet society. Dahil gusto ko namang madagdagan ang aking friends list, binigay ko na, hahaha…

my pet tuutuukii :D and Kuya Jason's pet tanooki
my pet tuutuukii :D and Kuya Jason’s pet tanooki

Ang kanyang alaga ang nangunguna sa aking listahan sa lahat ng mga kaibigan ko sa feysbuk na merong Pet Society applications..

Gusto ko sanang bigyan kita ng keyk Kuya, kaya lang hindi ako marunong magdraw ng cake at ayoko naman maghanap sa search engine ng mga keyks kaya ito na lang ang ibibigay ko sayo..

Keyk na gawa ni Kuya Jason, ninakaw ko para ibigay sa kanya :)
Keyk na gawa ni Kuya Jason, ninakaw ko para ibigay sa kanya :)

Sariling gawa mo Kuya para sa’yo…

HAPPY BIRTHDAY KUYA JASON :)