Iimbak para saHunyo 26, 2009

~astiigggg si Manang~

Pasaway ulit ako..
Matagal na naman akong umuwi kahapon, June 25, 2009.
8:30am handa na ako para umuwi, pero dito pa rin ako sa SHOP nagtatambay.

[no wonder kung bakit, minsan nahuhuli ako sa pasok.. Matagal akong magising [ang sarap kasing matulog pa!] Pero ngayong linggong ‘to. May late nga ako pero mga [5] limang minuto lang. Wala din naman lang akong matinong ginagawa dito, maliban na lang sa pakikipag – away sa mga costumer namin dito.. :)

Back to topic na nga, baka mas hahaba ang ilang litanya ko na hindi na related kay Manang na astiggggggg…

Pagbabang pagbaba ko ng pedicab na siyang unang sinakyan ko, papuntang Makulay Restaurant. Nakasakay agad ako ng Multicab na siyang sinasakyan ko papunta sa amin.

Katabi ko itong si Manang, may hawak na MP5. Panay on – off niya sa kanyang MP5. Buti nalang hindi ako tinamaan ng antok habang nasa biyahe kanina..

May plano pala si Manang na piktyuran ang sarili niya.. Sana sinabihan niya akong magpakuha siya ng piktyur niya.. Aktwali, gusto ko sanang kausapin si Manang eh, na kung gusto niya, ako na kukuha ng piktyur niya.. Pero natawa ako sa pose ni Manang ah kasi naka peace sign at nagpapakyut pa siya..

Nang matapos, kunan ni Manang ang kanyang sarili, tinago niya ang kanyang MP5. Binalot niya ng papel. Ang nakita ko sa papel, puro numero. Napaisip ako, “Manang, tumataya ka siguro sa last two ano?”. Dahil sa naisip kong iyon, natawa ako, at para hindi makahalata si Manang, pinikit ko mga mata, na kunwari natutulog lang.. :)

Nagising ako este naimulat ko ang aking mata nang magsalita si Manang.

“Patugtog ‘pre. Mingaw kaayo.”* Nagreklamo si Manang eh, meron naman siyang MP5. Gusto ng music..

“Wala may radio.”** Sumagot si Manong Drayber..

“Unsa man diay gamit anang imong speaker, kung dili ka magpatugtog diha? Mingaw kaayo imong multicab oh! Unsa na display lang?”*** Aba, nag – marunong ka Manang.. :) :)

~~~~
* = Musik ‘pre. Tahimik masyado.
** = Wala akong radio
*** = Anong gamit ng speaker mo, kung hindi ka naman magpapatugtog ng musika?Sobrang tahimik ng sasakyan mo. Ano iyan, pangdisplay lang?

Dahil sa sinabi ni Astig na Manang, natahimik si Manong Drayber, at tumawa naman yong katabi ni Manong.

~~~~~~~~~~~~

Pahirit lang muna sa post:

May isang pasahero na sobrang pamilyar sa akin, hindi ko nga lang alam yong pangalan niya. Aktuwali relatib namin siya, father sayd.

Buti nalang siya ang unang pumansin sa akin, kaya nagkakausap kami at nalibre ang pamasahe ko.. :)

Uu, nalibre ang pamasahe ko, siya na daw bahala kaya laking tuwa ko, pandagdag ipon na rin iyong P15.00 na siyang pamasahe ko sana..

Siyempre kwentuhan kami ni Auntie..
Biglang naisingit sa usapan ang tungkol sa pinsan niyang Ama ko..
Kung magpapakita Papa mo, papansin mo pa!” natahimik ako sa tanong ni Auntie Dayleen. Pero sinagot ko pa rin siya.

At ang sagot ko:

“Kung magpapakita. Pero, wala naman akong magagawa eh, Ama ko pa rin siya.” Ito ang sagot ko sa isipan.

Pero ang sinagot ko sa kay Auntie ko, ngiti lang :)
DUn lang ako magaling eh! Hahaha sa pag – ngiti – ngiti lang.. :)