Iimbak para saHunyo 29, 2009

~coffee princess xD~

Nakausap ko ulit si Kuya Archie sa feysbuk. At ang usapan? Ka-adikan lang naman! Nagkapremyo ‘yon eh! Nasabihan akong addiiiikkkk….

Dahil gusto niya akong magsubmit nung Mug ng kape. At gusto niyang ngayon na! Go din naman ako. Kaya, pumunta ako sa kabila(sa spa) Mabuti na lang at andun pa rin ‘yong tasang lagi kong ginagamit sa tuwing makikiinom ako ng tubig sa kanila, o kaya ay magtitimpla ako ng kape o kaya’y milo.

At dahil nasabihan din niya akong isama ko na sarili ko. At dahil nga nag – aadikkkk ako ngayon. Ginawa ko ng model yong sarili ko ng isang tasa.

At ang resulta?

coffee princess xD

~pasensiya at walang artist ang inyong model.
~hindi ko rin kilala ang suklay niyan.
~kahit nahihiya ako sa sarili kong piktyur dyan, ayon sinend ko pa rin kay Kuya Archiee. Para sa mug efek niya.. :)

At dahil, wala akong magawa na naman! At dahil nga inaadik ko ang sarili ko. Binago ko tema ng aking latagan. At ginawa kong model ang sarili ko naman, na minomodel ang tasa na iyon.

Kaya tinawag ko siyang coffee princess xD, dahil iyon ang unang pumasok sa isip ko’ng masabaw ngunit, walang laman. :D habang si-nave ko yong piktyur na iyon right after kong maedit ng kaunti sa paint. ‘Yon pa lang ang kaya kong gamitin sa ngayon.

ito ung imaheng sinend ko kay Kuya Archie :)

ito ung imaheng sinend ko kay Kuya Archie :)

~the same piktyur lang iyan sa itaas.
~feel ko lang ulitin, para ma – super – expose ang aking beauty-ness.

love yourself lang muna ako ngayon! Kaya pagpasensiyahan. Nag – aadik eh~