July 30 is the deyt na sobrang bagot na bagot ako, habang nakaupo sa isang upuan sa isang tabi sa loob ng SHOP na pinagtatrabahuan ko. Itong si Angel (name niya daw) dalawang taong gulang.
Kaya tumayo ako sa tabi ng table ko. Habang siya naman ay palapit sa akin. Nakangiti. “wow! ang kyut ng ngiti. (nabighani ako sa ngiti ni Angel) Habang ‘yong kasama niya naman, Nanay niya marahil. ‘Di nga lang ako sigurado kasi tinatawag niya minsan ng “ATE”. Tinawag niya rin ng “Mommy” at “Mama”.
Kwentuhan kami, madaldal siya, yon nga lang ung iba niyang sinabi iniintindi ko na lang..:
Angel: “Pabili din ako niyan.” sabay turo sa naka display’ng motorcylce sa SHOP.
Me: “Saan ka naman magpapabili niyan?”
Angel: “Sa palengke.” confident na sagot ni Angel.
Kaya naisip kong magpabili siya nung mga laruang motorsiklo na tig P25.00 yata.
Me: “Kanino ka naman magpabili?”
Angel: “Sa Mommy ko.”
Talagang kinausap ko ‘yong bata. Umalis siya pinuntahan niya ‘yong kasama niya. Pagbalik niya meron na siyang bitbit na pinya. At talagang sa may pintuan siya ng SHOP naglalagi. Feeling niya siya ‘yong guard. Parang meron na rin kaming Lady Guard.
Angel: “Uwi na kami.”
Me: “Talaga?! Eh, ba’t wala pa ‘yong Mommy mo?
Angel: “Bahala na siya.”
Hahaha! Natawa ako dun sa sinabi niya.
Bumalik ulit siya sa Mommy niya. Pagbalik niya dala – dala na siya ‘yong cellophane na nilagyan nung slice pineapple na binili nila.
Pagkatapos niyang kumain, kinunan ko siya ng piktyurs.
Tawa siya ng tawa habang pinapakita ko sa kanya ‘yong piktyur niya pagkatapos ko siyang kunan.
‘Yong tawang nakakaaliw pakinggan. Nakakatuwa kaya ako ‘di ko maiwasang matawa kapag tatawa siya.
Sinabihan ko siya nang “sige ibang pose naman!” Kaya ito, kunwari hindi niya alam na kinunan ko siya ng larawan.
Pero sa lahat ng larawang kuha ko sa kanya. Ito ang pinakagusto ko sa lahat..
Naingganyo siyang, tingnan yong sapatos ng isang costumer namin nakatayo. Tapos hindi ko alam na itinutok niya pala sa paa ko ung camera ng cellphone ko. Hinayaan ko siyang hawakan ‘yong phone ko.
Marahil nasiyahan siya. Nilalaro – laro niya dun ung kamay niya. At bigla siyang umupo. Pero gusto niyang makita ‘yong mukha niya habang tinutok sa kanya ‘yong camera. Kaya kinunan ko siya ng larawan.
Habang bagot na bagot ako, pero natuwa ako habang kausap siya. Ang kulit. Kahit ‘di ko masyadong naintindihan ‘yong ibang sinabi niya, masayang kausap pa rin..
![]()



