Kwentong Basura (Back to Normal)
Ilang araw ding magulo ang mundo ko. Mga dahilang hindi maipapaliwanag. Mga pangyayaring, hindi ko ginusto. Mga kaguluhang biglaang dumating. Mga biglaang pagbabago ng aking buhay.
Ngayon, ay balik na sa normal ang mundo ko.
- night shift ulit ako sa work ko, hindi ko alam kung hanggang kailan, dhail magulo pa ang iskedyul namin.
- normal na sa akin ang matulog sa umaga at dilat sa gabi, kaya back to normal na ako.
- back to normal, dahil mas feel ko ang night shift, ‘wag lang akong makabangga ng mga costumer na ’sing tigas ko ang ulo. Hehehe, tiyak gulo sa shop.
Kapag night shift, normal sa akin na antok ako habang kakasimula ko pa lang sa trabaho. Pero sa kalaunan, dilat na dilat na ang mata ko, pati na rin ang diwa ko. Lalo na kapag, masimulan ko na ang paggawa ng mga inihabilin sa aking trabaho. O kaya ay ang panunuod ng mga movie.
Normal din sa akin ang, aantukin kapag nasa alas sais na ang oras sa umaga, pero tiyak na mawawala naman ang antok kapag oras ko ng uwian.
Normal na rin sa takbo ng buhay ko, lalo na kapag night shift ako ang matulog ng alas dose ng tanghali, at gigising ng alas sais ng gabi. Para maghanda sa pagpasok. Normal na sa akin ang patayan ng katawan. Maraming ng sanay sa akin ng ganito.
Normal na din sa akin ang ma – late ako.
At sana naman, nasanay na mga kasamahan ko dyan. Alam ko din naman, masasanay din sila.
May baon akong dalawang green tomato ngayon. Mas masarap para sa akin ang hilaw na kamatis kumpara sa hinog na.
Pasensiya, dahil matagal na din akong hindi nakadalaw sa mga pamamahay niyo. Mahirap magbo-bloghop kapag pang – umaga sa trabaho. Kaya babawi ako kapag, night shift ako. Tulad ngayon, night shift na ulit ako. Kaya aasahan niyong dadalaw ako sa susunod na araw.
About this entry
You’re currently reading “Kwentong Basura (Back to Normal),” an entry on One, Two, Three and more Steps…Ahead of my Mind
- Published:
- Setyembre 13, 2009 / 3:30 umaga
- Category:
- RANDOM thoughts :)
- Tags:


18 Comments
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]