Caught in the Act
On – duty.
Nanuod ako ng movie. Love Story. Pampalipas oras naming mga cashier dito sa shop ang manuod ng movie. Kahit anong genre na. At sa oras na iyon, love story ang napanuod ko. May isang sitwasyon dun, na naabutan ni Kapatid.
Hindi niya alam na sinali ko na mukha niya sa pag post. B a h a l a n a. S a n a l a n g h i n d i n i y a m a l a l a m a n.Ang sitwasyon:
Ang lalaki, ginawa ang lahat para lamang mahalin ng babae. Kahit alam ng lalaki na may ibang minahal ang babae, but still, he tried his best, para lang sa babae.
Ni – reject pa rin ng babae si Lalaki. Aminado naman si Lalaki na masakit. Pero masaya na rin siya, kasi alam naman niyang masaya na ang babae sa piling nang lalaking minahal nito.
“Ouch, ang hirap talaga ng ganyang sitwasyon Kapatid, ano?!”
Biglang tanong ni kapatid sa akin. Wow, wala akong naisagot, maliban sa “huh?!”. Dahil sa sagot kong iyon, biglang tumawa si Kapatid, sabay sabing: “tama pala kapatid, wala ka pang ganung eksperyens.” Na ngiti lang ang sinagot ko.
Magaling lang akong magmamagaling sa mga sitwasyong may kinalaman sa pag – ibig. Tulad nang pagbibigay ng mga advice sa mga kaibigan ko. Kaya hindi sila naniniwalang hindi pa ako nakapasok sa ganoong estado ng buhay. O hindi pa ako nakapag nobyo. Dahil lang sa mga pagbibigay ko ng mga advice.
Saan ko ba nahugot ang mga binibigay kong advice sa kanila?
Simple lang, ibang estado ang nadaanan nila, ibang estado din ang nadaanan ko. Pero para sa akin, may pagkapare – pareho lang ang paraan kung ano ang dapat gawin.
Magkaibang sitwasyon, pero parehong nabigo. Magkaibigang problema, pero parehong may nasaktan. Magkaibang paniniwala, pero may paraan.
Pampagulo lang ulit. Ewan ko lang kung bakit parang feel kong ipagkalat ang mukha ko sa site ko. Pero wag ka na magreact, akin naman ‘to eh! Magreact ka kong mukha mo nakikita mo.About this entry
You’re currently reading “Caught in the Act,” an entry on One, Two, Three and more Steps…Ahead of my Mind
- Published:
- Setyembre 16, 2009 / 3:21 umaga
- Category:
- RANDOM thoughts :)
- Tags:


5 Comments
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]