At least, masaya naman ako!
Masama ang pakiramdam ko ngayon. Ilang araw ko nang iniinda ang lalamunan ko. Pati na rin ang pagkakaroon ko ng sipon.
Tatlong araw na magkasunod na lagi akong kumakain ng ice cream. At dahil malakas at masiba talaga ako pagdating sa pagkain.(No wonder, kung bakit ako tumataba ngayon!) Dagdagan pa ng matatamis na pagkain. Tulad ng cake, at chocolate. Hanggang ngayon, ay kumakain pa rin ako ng mga ‘yon kahit ramdam ko ng susuko na ang lalamunan ko sa mga ganung klaseng pagkain.
Kanina, alas kwatro ng hapon, nagising na ako. Dahil sa lakas ng hangin, (ibig sabihin, nilalamig ako, kaya nagising) Nagulat pa ako dahil may katabi na ako. Kapatid ko palang galing sa school, tumabi sa akin sa pagtulog. Dahil biglang umulan, bumangon ako at sinama ang kapatid ko sa labas.
“Bili tayo ng pagkain!” Sabi ko sa kanya.
Nadala naman ng pakiusap na pasama ako sa kanya na mamili ng mga pagkain sa tindahan. At ang plano ko, ang magpapaulan. Nagtatakbo kami sa kalsada papuntang tindahan. Para lang kaming naglalaro. Kaya sobrang saya ko, kahit na may sipon na ako.
Matagal na din nung huling naligo ako ng ulan. Nag aaral pa yata ako no’n ng Bokasyonal. Pagkatapos naming nagpapaulan, hindi pa ako agad, naligo at nagbihis. Hinayaan ko lang na matuyo ng kaunti ang damit ko sa katawan ko. Kinain ko pa muna ang snacks namin, at dinner. Bago ako naligo at nagbihis.
Kaya sino ba naman ang hindi magkakasakit sa ganun?! Hahaha! Kaya ngayon, ‘yong sipon ko, lumala. May headache na akong nararamdaman. Mainit na din ‘yong katawan ko. Parang ang sarap matulog, dahil sa lamig ng panahon.
Nagkaganun man, isang linya pa rin ang masasabi ko.
“At least, masaya naman ako!”
Alam ko naman na, malakas ang resistensiya ko. Tiyak na bukas, okey na okey na ako.
About this entry
You’re currently reading “At least, masaya naman ako!,” an entry on One, Two, Three and more Steps…Ahead of my Mind
- Published:
- Setyembre 17, 2009 / 1:23 umaga
- Category:
- DAILY NEWs
- Tags:

17 Comments
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]