HEARTACHES; HEARTSPEAKS

heartaches; heartspeaks

heartaches; heartspeaks


Ang aapela o eepal sa larawang nakikita ay mananagot haha. Iiyak ako.. :P

HEARTACHES; NIKKO REIN SPEAKS

Iyan ang makikita sa imaheng ilalagay ko sana, ‘yon nga lang hindi ko siya maipost. Ayaw niyang madagdag eh! Error daw eh! Hahaha. Kainis iyon ah! Hindi por que at hindi maganda ‘yong pagkagawa ng larawan. Maarte ang wordpress ngayon hahaha.. :P

Hindi ibig sabihin nito, na magbibigay ako ng mga advice ah! Magbibigay lang ako ng sitwasyon. At ang kailangan ko ay ang maging reaksyon niyo sa mababasa niyong mga sitwasyon.

Naisip ko lang ‘tong gawin. Mga istoryang gawa ng aking kaisipan (marunong na pala akong mag – isip) ay ipopost ko lang siya dito. Kung feel ko siyang ipost.. ;)

Pero ang ipopost ko lang ay ‘yong bahagi lamang ng kwentong nagawa ko. Na maaring ikaw ay matuwa, masaktan at kung anong mga damdaming papaibabaw. Sa kwentong mabasa mo.


About this entry