Reason Why Some People are Single

Reason Why Some People are Single:

1. Destiny Addict – umaasa sa tadhana. Ito ‘yong mga taong, romantiko. Na mahilig magbasa ng mga romance novel. Na umaasang sana, matulad sila sa karakter ng taong nababasa nila. At umaasang sana katulad niya ‘yong makakatuluyan ko. ‘Yong mga ganoong drama.

2. Perfectionist – masyadong choosy. Sobrang mapili. May makitang kamalian sa isang tao ay nadidiscourage na. Kailangan perpekto ka sa paningin niya, para matanggap o mapili ka niya.

3. BusyBusyhan - mga taong sobrang workaholic. Para kuno sa future. Para sa kanyang sariling future. Baka maisipang magkaroon ng double kapag mataas na ang niyog. :P

4. Friendship Theory – kung friends, friends lang talaga. Kung ang ilan, dapat friends muna. Ito kung friends, friends talaga. Kasi ang iniisip ng iba, masisira ang friendship kapag, lalagpas na sa ganoong estado ang magiging relasyon ng dalawa.

5. X to the Next Power – taong ‘di makaget over sa past relationship. Sa mga taong mahal pa rin ang taong dumaan na sa buhay nila. Hindi ba sila nagsawa no’n? Hahaha! O ‘di kaya’y ‘di lang nila tanggap, na wala na siya sa buhay nila.

6. Family Feud - takot sa parents. Mga magulang na pakialamera sa buhay pag – ibig ng kanilang mga anak. Pwede ring mabait si anak, kaya sumusunod sa gusto ng mga magulang, pero lihim na may ka relasyon. Naku! mas mahirap ‘yon. Dapat nga silang matakot sa parents nila.

7. Forever Basted
– walang nagkakamali. Ikaw na gumawa ng paraan, para may magkamali sayo, tsong at tsang. Sayang ang beauty. Sayang ang panahon, kapag bilangan na.

8. Heart Attack
– ayaw at takot masaktan. Naku po! Phobia o kaya trauma ba ito? Sa mga may sakit sa puso, applicable ito. Hahaha. Magpaka single ka na lang. :P Sa buhay pag – ibig, hindi mawawala ang salitang ‘masaktan’ kaya aasahan mo iyan kapag ikaw ay iibig.

9. Waiter – antay ng antay. Wala namang inaantay. Wala akong order, Manong waiter Hihintayin si Dodong, si Inday. Naku! malay mo bang, may iba na pala iyon. Baka nga, kasal na iyon ngayon eh!

Life is too ironic to understand fully. It takes sadness to know what happiness is. Noise to appreciate silence, and absence to recognize and value presence.

Thanks to Ate Anne and Alas for the tip!

Pahabol:
Related lang sa naunang kong post tungkol sa aking mga weird na panaginip. May idadagdag lang ako.

Kasi, kahapon ng gabi. Matagal kaming natulog. Lagi iyon, dahil panay pa kwentuhan at kainan. Sumugod pa kami sa tindahan para lang bumili ng makakain. Naubos na pala ‘yong mga binili namin na nauna.

Napaginipan ko ba namang, nagtoothbrush ako gamit eh, kutsara. Natawa ako habang inaalala ‘yon habang naliligo ako, kinabukasan. Napaisip ako, na – expire na ba ‘yong toothbrush ko, kaya kutsara ang ginawang toothbrush. (Bongga, toothbrush na eexpire :P )


About this entry