It Doesn’t Matter

It Doesn’t Matter
(hindi final na pamagat ng istorya)
but still I will share the teaser of the story written by someone.
(It’s not me, but a friend of mine) NOT EDITED. Wala pang time for that.

Laki sa hirap si Rika. Kaya nang, nabigyan ng pagkakataong makatuntong sa bahay ng Ama ay kailangan pa niyang sanayin ang sarili. Para lang maipakitang karapat – dapat nga siya sa bahay na iyon.

Hindi niya inaasahan na do’n niya makikita ang lalaking, nagustuhan niya. Pero, parang iba ang katauhan nito, buhat sa nakilala niyang Anthony. Paano niya pakikiharapan ang lalaking ito, kung iba ito sa lalaking kilala niya?

Higit sampung taong nawalay si Gem sa ama. Sampung taong walang balita. Pero ngayon, andito siya sa harap ng bahay nito. Para ano?! Para maghigante sa mga taong iniwan sila nito? O para magparangya, dahil iba na ang estado ng buhay nito ngayon?

Masakit alalahanin ang nakaraang pilit niyang kinalimutan. Kirot ang dulot nito sa kanyang puso. Ang alalahaning kung paano siya nawalay sa kanyang Ina at sa nag – iisang kapatid. At kung paano siyang nag – iisa, buhat sa nakaraang pangyayari.

“Sinong hinahanap nila?” tanong na pumukaw sa malalim na pag – iisip ng dalaga.

“Dito po ba nakatira si Mr. Melchor Anciona?” balik – tanong niya sa babaeng nakatayo sa kanyang harapan, habang nakasuot ito ng uniporme ng isang katulong.

“Marahil kayo si Rika Anciona?!” paniguradong tanong – pasalaysay na sagot nito.

“Ako nga po!” alanganing ngiting, sagot niya.

“Tumuloy ka Hija. Kanina pa naghihintay sa iyong pagdating si Don Melchor. Pasensiya na kung hindi agad kita pinapasok.” Mas niluwagan nito ng bukas ang malaking gate ng bahay.

Nakasunod lang si Kira sa katulong na umistema sa kanya. Habang naglakad papasok sa malaking bahay. Napaisip si Kira. “Sana, kasama kita ngayon Niko. Tiyak na matutuwa ka. Ma, sana andito ka rin. Magkikita na kayo ng lalaking mahal mo. Sana….sana, andito kayong dalawa.”

Hilam ng luha ang mga mata ni Kira, nang lingunin siya ni Nora, ang mayordoma ng mansiyon.

“Handa ka na?” Nakangiting tanong ng katulong. “Ako nga pala si Nora, ang mayordoma dito sa mansiyon. Hayaan mo, mamaya ipakilala din kita sa mga katulong dito sa bahay.” Nakakawiling pahayag nito, na ikinatuwa niya.

Dahil sa ginawa ng katulong, kalmado na ngayon ang pakiramdam ni Kira. Handa na siyang makipag – usap sa Ama. Handa na siya sa lahat. Alam niyang kakayanin niya.

Bitbit ang isang ‘di kalakihang bag na siyang tanging dala ni Kira. Paunang hakbang pa lamang siya papasok sa loob ng bahay. Dinig na niya ang pagtatalo ng dalawang boses lalaki sa loob ng bahay.

“Dito ka na lang muna, Kira. Sasabihin ko lang kay Don Melchor na andito ka na. Mukhang nag – aaway na naman ang mag – ama.” bulong na sabi nito matapos siyang pinaupo muna sa silyang nasa labas ng bahay.


“Mag – ama? Ibig bang sabihin nagkaroon ito ng bagong pamilya?
Takang tanong niya sa sarili. Kailangang alamin ko ang katotohanan. Dagdag ng kanyang isip.

Tumayo sa kinaoopuan si Kira, nang marinig niyang may mga yabag na palapit sa kanya. Inaakala niyang si Nora iyon. Nang bigla itong nagmura sa harap niya.

“Damn.” ulit nitong mura, matapos siyang mabangga. Nakita niya itong palabas ng gate.

“Damn? Dapat nga sorry sinabi mo eh!” Kinausap niya ito, kahit wala ito sa harap niya at tiyak na hindi man lang nito narinig ang kanyang mga sinabi. Na siya namang pagdating ng katulong.

“Ma’am Kira, bukas na lang daw po kayo mag – uusap ni Don Melchor.” Sabi ng nakangiting katulong. Nagtaka siya kung bakit hindi si Nora ang bumalik para sa kanya.

“Ako nga pala si Mira, anak ako ni Nora, ‘yong mayordoma dito sa mansyon. Kinausap kasi si Inang ng Don, kayo ako na lang andito ngayon.” Pagpapakilala nito sa kanya. “Akin na po ‘yong mga gamit mo. Sunod lang po kayo sa akin. Didiretso na tayo ngayon sa magiging kwarto mo dito sa mansyon.” Dagdag pang sabi nito.

Nais sana niya itong kausapin at tanungin, kung sino ang lalaking kakaalis lang kani – kanina. Kaso, naunahan siya ng kanyang hiya, kaya tinikom na lamang niya ang kanyang bibig.

Ang laki ng bahay na ito. Ang ganda ng mga dekorasyon. Ilang rooms kaya andito? Maganda rin kaya ang magiging kwarto ko? Sana malaki din, at sana, kasing laki din ng mga nakikita ko sa TV na mga bahay ang magiging CR ko.

“Ako po ang inyong magiging personal na taga – pag – alaga. Kaya po kung may kailangan kayo, ‘wag po kayong mahiyang magsabi sa akin.” narinig ni Kira na sabi ni Mira. Habang patuloy pa rin niyang nilibot ng kanyang paningin ang kanyang buong silid.

“Ah, Mira, Kira na lang sana kung maaari ang itawag mo sa akin. Mukhang hindi naman nagkalayo ang edad natin eh! At saka, mukhang nakakaasiwa naman kapag may “ma’am” at “po” ka pang tawag sa akin.” Saad ni Kira, habang sinisilip kung ano ang ginagawa ni Mira sa kanyang mga gamit.

“Ako na lang sa mga iyan.” Sabay kuha sa mga gamit niyang inaayos nito sa cabinet. “At saka, wala ka bang gagawin mamaya, after lunch? Baka naman pwede mo akong ilibot sa buong bahay?!”

___________________

OOppsss. Kailangan magbreak muna ako. Gutom na ako. Ito ang tanging kalaban ko kapag night shift sa work. Kung sa iba, aantukin sila, puwes sa akin. Gutom naman. ;)

Nagblack out pa dito. Mga dalawampung minuto marahil iyon.

___________________

Bahagi po ito ng kwentong gawa ng aking kaibigan. At inaasahan niyang ako ang mag – eedit ng buong kwento para sa kanya. Sana lang, ‘wag kong mabago ang buong takbo ng kwentong ‘to. Baka masira lang ang gawa niya. Kaya malaking goodluck sa akin, at sa gawa niyang istorya.

At saka, wala pang edit ang naipost kong ito, bahagi ng kwentong ginawa niya. Pero siyempre, mas gustuhin ko pa ring kaming dalawa ang mag – eedit ng kwento niya.


About this entry