Pananawagan!

Ooppss. Hindi po ako ang mananawagan. At wala akong dapat na ipanawagan. :P

Ito lang ‘pananawagan’ na ito ang laging kinukwento sa akin ng kapitbahay ko. Na nagkataon namang tinatawanan ko talaga, kahit alam ko na!

Sobrang hilig kasing makinig ng AM radio station si Kapitbahay. Halos kilala na niya ang pangalan ng mga bida sa radio drama. Pati na rin ang mga radio reporters/dj’s ng mga ito.

May pagkakataon din na dadalhin niya ‘yong radio/cassette nila sa bahay, at doon makinig habang nakipagdaldalan sa akin. :) )

Panawagan:

DJ: “Ano bang ipapanawagan mo?”

Nananawagan: “‘Gaw, itago mo muna ‘yong radio, dalhin mo sa kwarto, para hindi madinig ng mga kapitbahay natin ang panawagan ko. At saka nga pala, ‘gaw, nabinta na iyong ninakaw nating Kakaw.”

Tawa lang ng tawa ang mga tao sa loob ng studio pagkaalis nung nanawagan.

Kahit naman sino siguro matatawa. Hindi ba niya inexpect na may mga kapitbahay silang nakikinig din. Tapos kapag nanawagan ka, tatanungin din ‘yong pangalan mo at kung taga saan ka eh~


About this entry