Ang Basurera
Ito ang kasalukuyang estado ng buhay ko.
♥ may sariling mundo, at di to ko nilalabas ang ilan.
♥ isa akong dakilang adik at baliw (malalaman mo ‘yon sa mga latag ko)
♥ engot at bopols ako pagdating sa ingles.
♥ hindi ko kilala ang sarili ko.
♥ hindi ako mahilig gumamit ng suklay. Parang come what may lang.
Ilang araw na lang at goodbye teen na ako. Ibig sabihin dalawampung taon na akong nagbabasura. Pero anim na buwan pa lang na tinitipon ko mga basura ko.
Hindi ko ramdam ang aking kamusmusan. Hindi ko rin ramdam ang buhay ko bilang isang teenager. Kumbaga, ang mga ginagawa ko noong ako ay musmos pa ay hindi gawain ng isang musmos. Ganoon rin sa teenage life ko. Ngayon ba dapat kong asahan na, ang mga magagawa ko ngayon ay hindi gawain ng isang tulad ko? Umaasahang naintindihan ang nais kong sabihin.
Sawa na ako sa mga pinagagawa ko. ‘Yon ang alam ko.
Wala akong pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao sa akin. Tsismis. Para naman akong artista kapag ganyan, tsinitsismis. Ang bongga ko kapag ganyan.
Kapag ako tsinismis o may mga usapan akong naririnig na ganito – ganyan daw ako. Tutulungan pa kitang mag – isip na ganyan nga ako, kahit hindi. Oh! Di ba baliw. Hahayaan kitang mag – isip na ganoon nga ako. Para naman masaya.
Para sa iyong kaalaman. (FYI)
1. Isang taon pala ako nakasakay na ako ng barko.
2. Nakasakay ulit ako ng barka noong apat na taong gulang ako.
3. Nakasakay ulit ako ng barko noong limang taong gulang na ako.
‘wag pansinin ang unang tatlo. Suki ko lang talaga ang barko.
4. Malapit na ako mag – 20. Kung kailan? Makikita mo naman iyon dito sa bungad, hanapin mo lang, ‘yon kong marunong kang maglaro ng taguan.
5. Excited umalis sa teenage life.
6. Ang taas ko, 5′2″. ‘Wag ka, pinilit lang iyan para umabot ng 2″.
7. Ang timbang ko ay dumidikit sa 50kls. (Laging iyon ang resulta araw – araw. Kahit, wala pang kain at kakatapos lang kumain.
8. Sa edad na (10) sampu, iniwan kami ng Papa namin.
9. Apat kami na magkakapatid, ako lagi ang naiiba.
10. Ako lang ang babae, pero may parang may bakla.
11. Payag akong change kami noong bakla, siya na babae ako na lalaki.
12. Pangalawa ako.
13. Dalawa sa mga kapatid ng Mama ko, the same lang din sa amin. Apat ang anak, iisang babae. Ang isa may kalahati din. Pero ang isa buo maliban kong naglilihim.
14. Ako ang kawawa sa aming apat.
15. Ako lang ang hindi marunong mamalengke.
16. Ako lang ang hindi masarap magluto. Pero masarap naman kapag simpleng lutuin lang. Like: pritong isda.
17. Takot ako sa talsik ng mantika.
18. Takot ako sa inaheng manok. Ayokong patuka na.
19. Gusto ko ang maanghang na pagkain.
20. Lahat ng nakahaing pagkain kinakakain ko kapag masarap ang pagkaluto.
21. ‘Wag mo akong pakantahin, kung ayaw mong makahanap tayo ng away.
22. Sanay ako sa walang tulugan. Hindi halata eh!
23. Sanay ako sa gutom, pero kakain talaga ako kapag gutom.
24. Masiba ako.
25. Excited ako sa pagiging 20 ko. Aalalamin ko kong isip bata pa rin ba ako.
26. Kung mananatiling pasaway pa rin ako.
27. Kung nangangaway pa rin ba ako ng mga costumer namin.
28. Kung mahilig pa rin ba akong matulog.
29. Kung mamatay na ba ako sa edad na ito. (Totoo ‘to ah!)
30. Mahilig akong mga spamtext. Lalo na kapag unli at kapag wala akong katext.
31. Nasasayangan ako sa pisong load kapag hindi kwenta lang ang itetext, lalo na kapag hindi ako unli.
32. Scratch paper. Halos laman ng bag ko, maliban sa ibang bagay na kakailanganin ko.
33. Hindi ako mahilig sa mga kikay kits.
34. Bawal sa akin ang pulbo. Nangangati mukha ko.
35. Hindi ako nag lo – lotion. Mas mamasa kamay ko kapag ganoon.
36. Hindi ako mahilig sa panyo.
37. Mas gustuhin kong magsuot ng tsinelas kaysa mag High Heels at sandals.
38. Ang mga sapatos ko, dalawa – tatlong suot lang. ‘Di ko na maisusuot ulit.
39. Ipinanganak akong mahirap. Lumaking mahirap.
40. Mahilig ako sa maluwang na damit.
41. Ang tatlong uniform ko na kulay dugo (red at white) at isang blue maliliit sa akin lahat.
42. Mahilig ako sa mga pants na mahahaba.
43. Halos kalahati ng pants ko, maluwang sa akin. Pero hindi ko ginagamitan ng belt.
44. Marami akong belt, pero minsan ko lang nagagamit.
45. Hindi ako mahilig magsuklay. Kaya ‘wag na ‘wag mo akong matanong kong meron ako n’on.
46. Hindi ako mawawalan ng ID kapag umaalis ng bahay.
47. Laging may ballpen sa bag ko. May tinta man o wala. Maswerte ka kung magkataong meron.
48. Mahilig akong tumambay sa school supply area kapag pupunta ng mall.
49. Nakapag – aral, pero mga walang maayos na guro. (Lagot ako nito kapag may makabasa sa mga teacher ko nito!)
50. Makakayanan ko ang init ng panahon, kaysa malamig na panahon.
Iyan na muna. Kaunting hints ng inyong basurera.


22 Comments
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]